Friday, May 13, 2011

Ako'y may alaga....Asong mataba....


Theft: In criminal lawtheft is the illegal taking of another person's property without that person's freely-given consent. The word is also used as an informal shorthand term for some crimes against property, such as burglaryembezzlementlarcenylootingrobbery,shopliftingfraud and sometimes criminal conversion. In some jurisdictions, theft is considered to be synonymous with larceny; in others, theft has replaced larceny...source:http://en.wikipedia.org...

Kaninang umaga habang nag lilinis ako ng boarding house ay nakahagap ako ng balita na ang kapit bahay namin ay nagnakaw ng aso para ibagay sa Jowa (Hindi ako Tsismoso...Inaproach lang ako kanina...hehe denfensive). Ang asong iyon ay pag aari ng katiwala ng buong compound..eto ang buong kwento base sa claim ng dalawang panig......

Nag Aakusa: Sinasabing ninakaw daw sa kanila kahapon ang kanilang matabang aso na nakakadena sa harap ng bahay nila at ayon sa mangilan ngilang testigo. Ang asong ito raw ay ibingay sa kanila isang taon na ang nakalipas  ng pamilya ng nasabing kumuha ng asong mataba.

Inaakusa: Sinasabing sya daw ang kumuha (Infairness hindi dineny ang akusasyon) ng aso sa kabila ng pag eenterogate ng nag aakusa. Sinsabing sa kanila naman daw ito in the first place kaya di na sya nag paalam at basta nya na lang daw ito kinuha at ibinigay bilang regalo sa kanyang jowa.

Ina ng inaakusa: Hinarap ang nag aakusa at tinanong kung magkano ang nagastos ng nag aakusa sa pagpapalaki sa matabang aso (claim din ksi ng nag aakusa na malaki ang kanyang sakripisyo sa pagapalaki sa kawawang matabang aso). At take note ang sabi ng Ina ng inaakusa, " Magkano ba ang nagastos mo sa pagkain ng (mataba) aso at babayaran ko at hindi tama ang pag sasalita mo sa anak ko?"

Nagulat naman si Ateng nag aakusa sa narinig nya at nag pantig ang kanyang tenga na parang pinapalabas na sya pa ang mali sa kanyang claim (nga pala ung inaakusa sumagot pa sa nag aakusa na para bang kaedad nya lang ang kanyang kausap).

Sa sitwasyong ganito sino nga ba ang nasa tama? Sino ba sa knila ang dapat panigan?......hhmmmmm

Ang sakin lang kung may babawiin kang gamit na alam mong sayo dati na ibinigay mo na  sa ibang tao para ingatan ay magpaalam ng maayos ng walang nagiging problema..

Sa Nagaakusa: Hindi naman natin sya masisisi dahil napamahal na sya sa nasabing matabang aso kaya ganoon na lanag ang naging emusyon nya nung araw na yun...

Sa Inaakusa: Since mas matanda sa kanya ang kinuhaan nya ng  matabang aso, sana nag paalam na lang sya nag maayos para walang nangyaring kagulahan at iverify nya kung kanila nga ba ang matabang aso na parang sya pa ang naging biktima sa pangyayari....

Sa Ina ng nag aakusa: Kinunsinte mo pa ang anak mo....dapat mong pag sabihan na maling ang nagawa ng kanyang anak  at di sapat na ipauka mo sa tao na mayaman ka na di naman halata...(hehe)...

Overall: Maraming Sana sa mga ganitong sitwasyon....siguro masasabi ko na nasa huli nga talaga ang pagsisisi sa mga bagay bagay...kasi imaginine mo kung nasa una ang pagsisisi....parang ang sagwa naman nun na nagsisisi ka sa isang bagay na hindi mo pa nagagawa....

:MASAMANG KUMUHA NG ISANG BAGAY NA ALAM MO NANG HINDI SAYO NG WALANG PAHINTULOT NG NAGMAMAY-ARI NITO!

chow!

No comments:

Post a Comment